Tatlong grupo sa senado naghahangad na makuha ang Senate Leadership

Nahahati sa tatlong grupo ang naghahangad na makuha ang Senate Leadership sa 17th Congress.

Ito ay ang grupo nina Senate President Franklin Drilon, Senador Vicente “Tito” Sotto III at sa pangatlong grupo ay nahahati kina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Aquilino Koko Pimentel III.

Naniniwala naman si Drilon na intact pa rin ang suporta ng mga miyembro ng Liberal Party sa senado.

Si Cayeatno naman ay sinabing mayroon nang 80-90 percent ang concensus na nangyayari sa mga senador sa senado.

Pinabulaanan naman ito ni Sotto at sinabing mayroon nang pag-uusap ngunit walang pa ng konsenso nagaganap.

Nakatuon pa anya ang senado ngayon sa gagawing national canvassing sa House Of Representative.

Speak Your Mind

*