Teroristang ISIS, inako ang serye ng mga pagpapasabog sa Syria

Inako ng teroristang ISIS na sila ang nasa likod ng serye ng mga pagpapasabog sa Tartous at Jableh sa Syria na ikinamatay ng halos walumpung katao.

Sa report ng State-Run na Syrian Arab News Agency, may kabuuang tatlong pagsabog ang sumiklab sa isang Bus Station sa Tartous.

Habang apat naman ang nasawi sa residential areas ng Jableh nitong mga nagdaang mga araw.

Samantala, lumalabas naman sa report ng london-based syrian observatory for human rights na umakyat na sa mahigit na isandaang katao ang nasawi sa mga pag-atake ng naturang terror group sa mga naturang lugar.

Speak Your Mind

*