Thunderstorm Advisory, nakataas parin sa sa limang lalawigan na kalapit ng Metro Manila

Nakataas pa rin ang Thunderstorm Advisory sa limang lalawigan na kalapit ng Metro Manila.

Batay sa advisory ng PAGASA, apektado ng thunderstorm ang lalawigan ng Pampanga; bayan ng Balanga, Pilar, Limay at Orion sa Bataan; bahagi ng Tarlac, Nueva Ecija, at Bulacan gayundin ang sariaya at Candelaria sa Quezon.

Sa Batangas at iba pang bahagi ng Bataan at Quezon, inaasahang magkakaroon din ng thunderstorm sa susunod na dalawang oras.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang nakakaapekto sa Metro Manila at sa ilang bahagi ng Cavite at Rizal.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na palagiang mag-antabay sa mga susunod na abiso ng Weather Bureau.

Speak Your Mind

*