Toronto Raptors, nakuha ang unang record sa Eastern Conference Finals, matapos na matalo ang Miami Heat sa semi-finals series.

Gumawa ng kasaysayan ang Canadian Franchise Team na Toronto Raptors sa NBA.

Matapos na talunin ng koponan ang miami heat sa kanilang do-or-die game sa semi-finals series sa eastern conference, naitala ng raptors ang kanilang unang record na makalusot sa eastern conference finals.

Naging susi sa panalo ng raptors si Kyle Lowry at ang teammate na si Demar Derozan.

Nakapagtala si Lowry ng 35 points, nine assists at seven rebounds habang si Derozan ay tumapos ng 28 points at eight rebounds.

Dikit ang laban ng raptors at miami sa firsthalf ng laro ngunit pagdating ng secondhalf, dito na lumayo ang kalamangan ng toronto.

Nakatakda namang makaharap ng raptors sa eastern-finals ang Cleveland Cavaliers na no.1 post sa eastern conference.

Maghaharap naman para sa western conference finals ang Defending Champion na Golden State Warriors at Oklahoma Thunders.

Speak Your Mind

*