Tourist arrival sa Hundred Island sa Alaminos City, tumaas

Mas maraming atraksyon na ngayon ang aabangan ng mga turista sa Hundred Island National Park sa lungsod ng Alaminos.

Bunsod nito mas tumaas ang tourist arrival sa lungsod kung saan umaabot na sa mahigit 250,000 mula buwan ng Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Ayon kay Solomon Tablang, Tourism Officer III ng Alaminos, nakatulong sa pagdagsa ng mga turista ang ibat-ibang aktibidad na maaaring gawin sa isla tulad ng helmet diving, hiking, kayaking, jitski, banana boat at paraciling.

Samantala, inihahanda na ng pamunuaan ng Hundred Island National P5ark ang inigurasyon ng bagong Lucap Wrapf na tiyak na magdadagdag ng atraksyon sa lungsod.

Speak Your Mind

*