Transgender discrimination, mahigpit nang ipagbabawal sa bansang Canada

Mismong si Canandian Prime Minister Justin Trudeau ang nag-anunsyo ng isang panukalang batas na po-protekta sa mga transgender mula sa mga hate speech at diskriminasyon.

Ayon kay Trudeau, dapat na ipagpatuloy ang paglaban para sa pagkakapantay-pantay ng lahat.

Ang naturang bill na magba-ban sa transgender discrimination ay pormal umano na iaanusyo ni Justice Minister Jody Wilson-Raybould sa international day against homophobia, transphobia at biphobia.

Magiging kauna-unahang prime minister naman si Trudeau na makikibahagi sa gay parade na gaganapin sa montreal sa July.

Binigyang parangal naman ng gay rights group na fondation emergence si Trudeau dahil sa pagsusulong nito ng gay rights.

Speak Your Mind

*