Transition team ni Duterte, itinakda na pagtungo sa Malakanyang

Nakatakdang magtungo anumang araw ngayong linggo sa malakanyang ang transition team ni President-elect Rodrigo Duterte.

Inaasahan din na sasama si Duterte para magsagawa ng occular inspection sa malakanyang kung saan siya mag-oopisina at titira.

Tiniyak naman ni Communications Secretary Sonny Coloma na nakahanda din ang Presidential Transition Committee na humarap at makatrabaho ang transition team ni incoming President Duterte.

Nais namang matiyak ni Pangulong Noynoy Aquino na maging maayos ang pagsasalin ng kapangyarihan sa susunod na administrasyon.

Speak Your Mind

*