Trillanes, guilty sa indirect contempt sa kanyang alegasyong “Justice for Sale”

Guilty sa indirect contempt si Senador Antonio Trillanes IV sa kanyang alegasyong “Justice for Sale”.

Matatandaang nag-ugat ang naturang alegasyon sa suspensyon ni dating Makati Mayor Junjun Binay dahil sa umano’y maanomalyang konstruksyon ng Makati City Hall Building Two.

Ayon kay Trillanes, tumanggap ng suhol ang mga hukom ng court of appeals para itigil ang suspensyon kay Binay.

Inatasan din si Trillanes na magbayad ng tatlumpung libong piso sa loob ng sampung araw matapos matanggap ang receipt of notice ng utos.

Nakitaan ng C.A ng merito ang petisyong inihain ni Binay noong nakaraang taon at iginiit na walang basehan ang alegasyon ni Trillanes.

Ibinasura rin ng korte ang depensa ni Trillanes na parliamentary immunity para hindi ma-contempt.

Bigo rin umano si Trillanes na suportahan ng ebidensya ang umano’y panunuhol sa mga hukom.

Sa ngayon ay nasa labas ng bansa si Trillanes.

Speak Your Mind

*