Umano’y Midnight Perks ng SSS Board of Directors, hindi pa raw epektibo

Idinepensa ng Social Security Systems (SSS) ang umano’y Midnight Perks ng Board of Directors ng ahensya.

Paliwanag ni SSS Vice President for Public Affairs Susie Bugante, matagal nang binabalangkas ang Midnight Perks ng SSS.

Isa aniya ito sa mandato ng Governance Commission for Goccs (GCG) na i-standardize ang sahod at official titles ng mga government owned and controlled corporations.

Dagdag pa ng pangulo, aprubado na rin ito ni Pangulong Benigno Aquino pero kailangan pa ring sumailalim sa approval process para sa implementasyon.

Nilinaw naman ni bugante na hindi pa epektibo ang mga Midnight Perks ng SSS officials at hindi nito maaapektuhan ang mga kasalukuyang opisyal ng ahensya.

Speak Your Mind

*