Warriors at Thunder, maghaharap sa game 7 sa Western Conference Finals

Hindi naman basta-basta nagpatalo ang Golden State Warriors sa nagpapatuloy na Western Conference Finals Series.

Pinatunayan ng Warriors ang pagiging defending champion nito matapos maitabla ang serye sa kanilang finals sa 3-3 laban sa Oklahoma City Thunders.

Lamang ang Thunders sa unang tatlong quarter ng laro.

Ngunit pagpasok ng huling quarters ng laro, dito na kumamada ang Warriors kung saan nakagawa sila ng 33 points kontra sa 18 points ng Thundres.

Dahil dito nagawang maipanalo ng Golden State ang game 6 sa iskor na 108 – 101.

Maghaharap naman sa do-or-die game 7 ang Warriors at Thunders sa Martes.

Speak Your Mind

*