Waste Segregation sa mga basurang mahahakot sa Brigada Eskwela, tiniyak ng DepEd Pangasinan 1

Tiniyak ng Department of Education o DepEd na maipapatupad ang Waste Segregation sa mga basurang mahahakot sa mga isinasagawang Brigada Eskwela ngayong araw.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Dr. Carmina Gutierrez, Chief of Education Supervisor ng DepEd Division Office 1 Pangasinan na regular na nila itong ipinatutupad.

Batid na rin umano ng mga estudyante, guro at ibat pang mga volunteers ang tamang pag-hiwa-hiwalay ng mga basurang mabubulok at hindi nabubulok

Kasama narin umano rito ang pagsasa-ayos ng mga tambak ng basura, hindi sa harapan ng paaralan o gates kundi ilagay ito sa isang sulok upang maging maayos parin sa paghakot nito.

Speak Your Mind

*