Website at Hashtag para sa 2nd Metrowide Shakedril, inilunsad ng MMDA

Opisyal nang inilunsad ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang Website nito na #mmshakedrill.ph bilang suporta sa gaganaping 2nd Metrowide Shakedril sa darating na June 22 ngayong taon.

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos na layon ng nasabing website na mas mapalaganap pa ang pagbibigay ng impormasyon sa taumbayan kung ano ang mga dapat gawin sakaling may mga kalamidad gaya ng lindol, bagyo at iba pa

Nagpasalamat naman si Phivolcs Director Renato Solidum sa nasabing proyekto dahil dito ay may mabilis na access ang taumbayan sa mga impormasyon na makakapagbigay ng kaalaman para sa kanilang kaligtasan

Nakapaloob sa nasabing website ang mga kailangang gawin tuwing may lindol gaya ng top, cover and hold na syang pangunahing ginagawa sa mga paaralan at maging sa mga opisina.

Speak Your Mind

*