13 basura patrollers, nakatakdang ipakalat sa 125 municipalidad sa buong Region 1

Labing tatlong “Basura Patrollers” ang nakatakdang ipakalat sa 125 municipalidad sa buong Region 1 para imonitor at bantayan ang mga posibleng lumabag sa Republic Act 9003, o mas kilalang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000”.

Ayon kay Ma. Venus Junio, hepe ng Environmental Education and Information Section ng Environmental Management Bureau Region 1, ang nasabing mga “Basura Patrollers” ay sumailalim sa pagsasanay para mag-ikot sa mga pampublikong lugar para tiyakin ang kalinisang ipinapatupad ng mga Local Government Units’ (LGUS) sa kanilang nasasakupan

Kabilang sa mga imu-monitor ng bawat basura patroller ay ang pagtatapon ng basura, operasyon ng mga open dumpsites at koleksyon ng mga basurang hindi napaghiwa-hiwalay.

Anim na “Basura Patrollers” ang itatalasa sa lalawigan ng Pangasinan, tatlo sa Ilocos Sur, at tig dalawa sa  La Union at Ilocos Norte.

Speak Your Mind

*