2 taong gulang sa Florida, tinangay ng buwaya habang naglalaro

Isang batang lalaki na dalawang taong gulang ang tinangay ng isang buwaya habang naglalaro malapit sa lagoon ng Walt Disney World sa Florida.

Sinubukan pa iligtas ng ama ng biktima ang bata mula sa buwaya ngunit nabigo ito.

Ayon sa tagapagsalita ng Orange County Sheriff’s Office na si Jeff Williamson, posibleng patay na ang bata.

Samantala, patuloy pa rin pinaghahanap ng mga awtoridad ang katawan ng biktima.

 

Speak Your Mind

*