Comelec, ipapatupad ang pagpapalawigin sa deadline ng pagsusumitte ng SOCE

Bukas ang Commission on Election o Comelec Pangasinan sa anumang nagiging desisyon ng Supreme Court kaugnay sa palawigin sa deadline ng pagsusumite ng Statements of Contributions and Expenditures o SOCE ng Comelec.

Ito ang inihayag ni Atty. Marino Salas, Comelec Supervisor ng Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio matapos paboran ng Comelec en Banc sa botong 4-3, ang hirit ng Liberal Party na i-extend ang deadline ng paghahain ng naturang SOCE.

Sinabi pa ni Salas na handa silang sumunod sa anumang magiging desisyon ng Korte Suprema, ngunit hanggat walang inilalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ang korte ay susundin parin nila ang desisyon ng Comelec en Banc.

Samantala, nasapagsumite naman na umano ng kanilang Soce ang halos kandidato nitong nakaraang eleksyon dito sa lalawigan ng Pangasinan maliban lang sa ilang mga natalong kandidato.

Speak Your Mind

*