School-Based Immunization Program, maagang inilatag ng PHO-Pangasinan

Inilalatag na nang Provincial Health Office (PHO) ng Pangasinan ang School-Based Immunization Activity na isasagawa sa a-uno hanggang trenta uno ng Agosto.

Ito ang inihayag ni Thelma Tejada, Program Manager ng Immunization Program ng PHO sa panayam ng DZRD Sonshine Radio bilang bahagi sa programa ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Tejada, nakatakdang bakunahan ang mga grade 1 at grade 7 students ng anti-measles at anti-tetanus upang mapalakas ang kanilang immune system.

Sa ngayon, wala pa naman aniyang naitatalang kaso ng nasabing sakit, sa lalawigan dahil sa maagang prevention program ng DOH.

Kasabay nito, patuloy naman ani Tejada ang Routine Immunization Program ng PHO sa mga City at Municipal Health Center para sa mga sanggol na siyam na buwan pababa.

Ang tinig ni Thelma Tejada, Program Manager ng Immunization ng PHO sa panayam ng DZRD Sonshine Radio

Speak Your Mind

*