“No Homewok Policy”, matagal na umanong ipinapatupad ng Deped

Matagal nang ipinapatupad ng Department of Education (Deped) ang “No Homewok Policy” sa mga elementary student sa pampubliko at pribadong paaralan.

Ayon kay Deped Regional Information Officer Darius Nieto, ang nasabing polisiya ay sa besa ng Deped Order No. 392 series of 2010 na nilagdaan ni Deped Secretary Armin Luistro.

Sinabi pa ni Nieto na inilabas ang nasabing kautusan dahil sa dami ng reklamong natatanggap ng kagawaran mula sa mga magulang.

Iginigiit umano ng mga magulang na nawawala ang family bonding nila sa kanilang anak dahil sa dami ng mga home work o assignment nito lalo na kung weekend.

Nilinaw naman ni Nieto na maaari namang magbigay ng assignment ang mga guro sa kanilang mga estudyante mula lunes hanggang huwebes.

Ang tinig ni Deped Regional Information Officer Darius Nieto sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*