27 Chinese at Taiwanese Nationals, inaresto sa Cambodia dahil sa extortion

Arestado ang 27 Chinese at Taiwanese Nationals dahil sa reklamong extortion sa mga telecoms sa Cambodia.

Kabilang dito ang labing limang Chinese at labing dalawang Taiwanese na lalaki at babae na naaresto sa raid sa Villa sa Capital Phnom Penh.

Ang nasabing hakbang ay ang pakikipagtulungan ng China sa Cambodia para matukoy ang panloloko sa mga Telecos.

Noong nakaraang taon ay umabot na sa dalawang daang mga Chinese Nationals ang pinauwi ng Cambodia matapos na naging positibo sa nasabing kaso.

Ayon kay Khun Sambor ang Deputy Director ng Cambodia na ang nasabing krimen ay nangyayari sa buong mundo.

Pare-parehas ang kanilang modus sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang mga biktima mula sa China.

Speak Your Mind

*