33 dengue cases, naitala sa Dagupan City mula sa buwan ng Enero

Nakapagtala na mula buwang ng Enero hanggang Mayo ng tatlumpot tatlong kaso ng dengue ang lungsod ng Dagupan kung saan isa na rito ang namatay.

Dahil dito, pinangangambahan na posibleng tumaas pa ang naturang kaso sa pagpasok ng tag-ulan at opisyal na pagsisimula ng pasukan.

Sinabi ni Dra. Windy Bernardo, tagapag-salita ng CHO Dagupan, na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pag-iikot sa mga barangay at pagpapa-igting ng kampanya sa abkda o aksyon barangay kontra dengue.

Paalala naman ng mga health expert na mas mainam na ugaliin ang kalinisan at hanapin, linisin ang maaaring pamugaran ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

Kasabay ng Brigada Eskwela, nagsasagawa narin ng CHO ng fogging operation sa mga paaralan na may mataas na kaso ng dengue.

Speak Your Mind

*