36 katao, patay sa suicide attack sa Istanbul Ataturk International Airport

Hindi bababa sa tatlumpu’t anim katao ang nasawi sa panibagong suicide attack sa Istanbul Ataturk International Airport.

Ayon sa Dogan News Agency, tatlong suicide bomber ang sabay-sabay na nagpasabog ng kanilang sarili sa loob ng paliparan.

Kabilang din sa mga nasawi ang dalawang airport police.

Aabot naman sa isandaan at limampung kataong sugatan ang isinugod sa mga ospital na malapit sa lugar

Mariin namang kinondena ni City’s Governor Vasip Sahin ang naturang pag-atake ng mga terrorista.

Samantala, ang international terrorist group na Islamic State naman ang nakikita ng turkish prime minister ang nasa likod ng madugong suicide attacks.

Speak Your Mind

*