Anti-Bullying Policy, matagal na umanong ipinatutupad ng Deped Dagupan

Matagal nang ipinapatupad ang “Anti-Bullying Policy” sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Dagupan.

Ito ang inihayag ni Dr. Linda Vintinilla, Chief Education Supervisor ng Deped Dagupan, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi ni Vintinilla na taong 2013 nang ilabas ang Deped Order No. 40, serries of 2012 o ang tinawag na Child Protection Policy kasama na rito ang mga prevention sa mga insidente ng bullying.

Ngunit sa panahon ngayon na mas tumataas ang kaso ng bullying, muling nagpatupad ang Deped ng Momurandum 94 series of 2016 na promotion of online child proctection and prevention on cyberbullying.

Kasabay nito, inihayag ng Deped na dahil sa kanilang mga sestimang ipinapatupad ay nabawasan naman ang kaso ng bullying sa mga paaralan.

Dagdag pa ni Vintinilla malaki ang naitulong ng pagiging visible ng mga police officer at mga Barangay Tanod upang mabawasan ang kaso ng bullying na kalimitang kinasasangkutan ng mga estudyante.

Speak Your Mind

*