Anti-littering ordinance, mahigpit paring ipinapatupad sa Urdaneta City

Mahigpit paring ipinapatupad ng Task Force Bantay Kalikasan ang “Anti-Littering Ordinance” sa lungsod ng Urdaneta.

Ngunit ayon kay Henry Kang, head ng Task Force Bantay Kalikasan, bumaba na ang prosyentong kanilang nahuhuli na pumapalo nalang sa sampu hanggang dalawampu katao kada araw.

Ito’y dahil aware na umano ang mga residente ng Urdaneta sa ipinatutupad na batas kayat ang karaniwang nahuhuli nila ay pawang mga bisita o dayuhan sa lungsod.

Sinabi pa ni Kang na noong simulan nila ang nasabing Anti-Littering Ordinance noong 2010 ay marami silang nahuhuling lumabag dahil sa kawalan ng disiplina ng publiko.

 

Sa ilalim ng nasabing ordinansa ay papatawan ng multa na P500 para sa first offense, P1,000 naman para sa second offense, at P2,000 para naman sa third offense.

Speak Your Mind

*