Apat katao, patay sa pamamaril sa Tel Aviv, Israel

Apat katao ang patay habang anim naman ang sugatan sa pamamaril sa isang sikat na open-air shopping at restaurant area sa Tel Aviv, Israel.

Ayon kay Israeli Police Spokesman Micky Rosenfeld, nahuli na ang dalawang teroristang may pakana ng pamamaril.

Isa umano sa mga suspek ang nasa ospital dahil sa tinamong tama ng baril.

Wala pang anumang grupo ang umaako sa naturang pag-atake.

Speak Your Mind

*