App kontra illegal towing, inilunsad ng MMDA

Inilunsad ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang I-Tow App.

Layon ng naturang App na maprotektahan ang mga motorista laban sa mga iligal na towing operations.

Ayon kay MMDA Traffic Unit Chief Crisanto Saruca, may traffic constable nang kasama ang bawat tow truck.

Bibigyan ng tablet ang bawat traffic constable na gagamitin para kunan ng litrato ng ito-tow na sasakyan.

Ipapadala ang litrato sa Metrobase at bibigyan ito ng reference number at clearance para mag-tow.

Nasa tatlumpung traffic constables ang ide-deploy ngayong araw habang nasa halos dalawandaang tow trucks naman ang nasa ilalim ng provisional accreditation ng ahensya.

Tiniyak din ni Saruca na wala nang overpricing sa towing dahil sa I-Tow App.

Speak Your Mind

*