Backyard farming, patuloy na isinusulong ng DA Region 1

Patuloy na isinusulong ng Pangasinan Research and Experimental Center ng Department of Agriculture (DA) Region 1 ang backyard farming.

Ito’y bahagi sa programa ng kagawaran sa pamamahagi ng binhi ng ibat-ibang gulay gaya ng talong, ampalaya, kamatis at okra.

Ayon pa kay Dr. Gilbert Rabara, hepe ng Pangasinan Research and Experimental Center ng DA na nakapamahagi na sila ng binhi sa lahat ng Municipal Agriculture Office sa lalawigan ng Pangasinan.

Sinabi pa ni Rabara na prayoridad sa programa ang mga backyard farmer kung saan tulong ito sa kanilang pang araw-araw ng pangangailangan ng gulay at dagdag sa kanilang pagkabuhayan.

Target naman ng programa na makapag-tanin sa may 36,168 ektaryang taniman na libreng ipinamimigay ang mga binhi ng gulay.

 

Speak Your Mind

*