Bagong provl veterinary clinic, makakatulong sa pagbaba ng kaso ng rabies

Pormal nang binuksan ang bagong Provincial Veterinary Clinic sa bayan ng Lingayen Pangasinan na magbibigay ng libreng serbisyo sa mga pangasinense.

Ayon kay Dr. Eric Perez, Provincial Veterinarian na bukas para sa lahat ng mga pet owner ang naturang pasilidad at libre ang mga serbisyong ibibigay dito.

Kabilang na rito ang free vaccination sa mga alagang aso, consultation at surgecal operation kung kinakailangan.

Makakatiyak din umano na sapat din ang mga gamot sa naturang pasilidad na bukas mula lunes hanggang biyernes.

Matatandaang una nang inihayag ng Provincial Health Office na maituturing nang endemic ang kaso ng rabies sa pangasinan kayat inaasahang ang bagong Provincial Veterinary Clinic ay makakatulong sa pagbaba ng kaso ng rabies sa probinsya.

Speak Your Mind

*