Bahagyang pagtaas sa singil ng kuryente nitong Mayo, kinumpirma ng Decorp

Kinumpirma ng Dagupan Electric Corporation (Decorp) na nagkaroon ng kunting pagtaas sa singil ng kuryente nitong buwan ng Mayo.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Atty. Randy Castilan, ang Legal Officer ng Decorp, sinabi nito na bahagya lang naman ang naging paggalaw sa genaration charge na pumalo sa P.006 kada kilowatt hour (kwh)

Ibig sabihin nito, ang isang kumokonsumo ng 100 kwh kada buwan ay magbabayad ng karagdagang P4.10 sa buwanang electric bill.

Itinuturing naman ng Decorp na maliit lamang ang naging paggalaw sa singil ng kuryente taliwas sa inaasahan nila dahil sa pagnipis ng suplay ng kuryente noong nakaraang buwan.

Speak Your Mind

*