Bangkay ng bata na tinangay ng buwaya sa Orlando, narekober na

Patay ang isang dalawang taong gulang na batang lalaki matapos itong sakmalin ng buwaya sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Ayon sa magulang ng bata, naglalaro ang kanilang anak malapit sa Lagoon ng bigla umano itong atakihin ng buwaya.

Tinangka pa umanong sagipin ng magulang ang kanilang anak ngunit hinatak na ito ng buwaya sa Lagoon.

Tinatayang nasa apat hanggang pitong talampakan ang laki ng buwaya.

Sa ngayon, sarado muna sa publiko ang Beach Areas and Recreational Marinas ng Walt Disney World habang nagsasagawa ang mga otoridad ng imbestigasyon sa insidente.

 

Speak Your Mind

*