“Basura patrollers”, inilunsad para matiyak ang kalinisan sa Pangasinan

Para maging responsable sa pagtatapon ng basura, nagtalaga ang Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-Emb)-Pangasinan ang “Basura Patrollers “.

Ayon kay PENRO Planning Officer Rose Carmelita Orduna, ang nasabing “Basura” Patrollers ay magmo-monitor at magre-report sa mga lalabag sa Republic Act 9003, o mas kilalang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000”.

Dagdag pa ni Orduna na trabaho ng “Basura patrollers” na mag-ikot sa mga pampublikong lugar kabilang ng ang mga kalsada, sidewalks, canals at mga parke para tiyakin ang kalinisang ipinapatupad ng mga Local Government Units’ (LGUS) sa kanilang nasasakupan

Sakali naman may mapatuyan na may mga LGU na lumabag sa RA 9003 ay makakatanggap ito ng sulat bilang babala, ngunit sakaling hindi ito magawan ng aksyon ay maaari itong may kaharaping kaso.

Speak Your Mind

*