Bayan ng Burgos, nag-iisang benepisyaryo ng Kalahi-CIDSS ng DSWD sa Pangasinan

Malaki ang naitulong ang Kapit Bisig Laban sa Kahirapan -Comprehensive and Integrited Delivery of Social Services – Kalahi-CIDSS ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residente ng bayan ng Burgos, Pangasinan.

Ang bayan ng Burgos ang nag-iisang bayan sa lalawigan ang napili ng dswd regional office para sa Kalahi-CIDSS o Poverty Reduction Program ng DSWD na pinunduhan ng P29 milyon.

Ayon kay May Jean Amistad, Community Empowerment Facilitator ng DSWD-KC, anim na Barangay na ang nabigyan ng ayuda mula sa DSWD kabilang na ang pagpapatayo ng deep well, pagsasaayos ng mga kalsada, cannal at iba pa.

Sinabi naman ni Irene Cubangbang, Information Officer ng DSWD Region1 na naging benepisyaryo ng bayan ng Burgos sa KALAHI-CIDSS dahil ito ay nakapagtala ng 26.5 poverty insident.

Ang tinig ni Irene Cubangbang, Information Officer ng DSWD Region 1 sa program sa sonshine radio.

Speak Your Mind

*