BFAR Dagupan, isinusulong ang pagpaparami ng Saline Tilapia

Pinaghahandaan na nang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Dagupan ang National Training hinggil sa pagpaparami ng molobicus o saline tilapia.

Ito ang inihayag ni Dr. Westly Rosario, ang Center Chief ng BFAR–National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi ni Rosario na ang saline tilapia ay unang denevelop sa BFAR Dagupan at ngayo’y sikat na sikat na sa buong mundo.

Ngunit ayon kay Rosario, ang naturang lahi ang tilapia ay hindi maayos na napaparami kayat isinusulong niya ang pagkakaroon ng hatchery.

Sa ganitong paraan aniya ay mas mapapabilis ang pagpaparami at pagpapalaki ng mga saline tilapia para sa karagdagang pagkakakitaan ng mga fish farmer.

 —— 

 BFAR Dagupan, nakapag develop na ng ibat-ibang uri ng sea creature 

Ipinagmalaki ng BFAR- NIFTDC na sa loob ng labing siyam na taon ay maraming uri na ng species ang kanilang nadevelop.

Ito ayon kay Dr. Westly Rosario, ang Center Chief ng BFAR-NIFTDC sa kabila ng maraming spicies na umaabot ng taon bagong madivelop at mag-matured.

Sinabi naman ni Rosario na bukod sa mga shellfish na tahong at talaba, nadevelop nila ang pag bread ng bangus, seabas, tilapia at iba pa.

Nilinaw naman ni Rosario na ang pondong ginamit dito ay hindi lamang galing sa gobyerno kundi sa tulong din ang ibat-ibang bansa na nagsagawa rin ng ilang pag-aaral gaya ng fishkill

Speak Your Mind

*