BFAR, nagpaparami na ng mosquito fish bilang solusyon sa sakit na dengue

Nagpaparami na ng mosquito fish ang Bureau Of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) Pangasinan.

Ang mosquito fish ay itinuturing ngayong solusyon upang mapigilan ang pagdami ng mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

Ayon kay Dr. Westly Rosario, hepe ng BFAR-NIFTDC, dumaan na sa ibat-ibang pag-aaral kung saan nakita kung gaano ka-epektibo ang mosquito fish sa pagsugpo sa mga dengue carrier mosquito.

Dagdag pa ni Rosario na mabilis dumami ang mosquito fish na may sukat na 4cm hanggang 7cm, kayang mabuhay sa dagat o ilog at kayang kumain ng mahigit isang daang maliliit na lamok o kiti-kiti ang isang mosquito fish.

Bukas naman ang tanggapan ng BFAR para sa pamimigay ng mosquito fish lalot nakapagtala na ang lungsod ng dagupan sa 146 dengue cases ngayong taon.

Speak Your Mind

*