Bidding process para sa panibagong supplier ng licensed plates, tuloy na

Nagpapatuloy na ang bidding process para sa panibagong supplier ng mga licensed plates.

Ito, ayon kay Land Transportation Office Assistant Secretary Roberto Cabrera III ay dahil malapit na umanong matapos ang one-year contract ng kasalukuyang supplier.

Balak ni Cabrera na kausapin ang kasalukuyang supplier dahil sa mga reklamo sa kalidad ng mga plaka.

Sakali rin aniyang maalis na ang COA Disallowance sa mga plaka ay nakahanda na ang halos tatlong milyong plaka na maaaring i-deliver sa loob ng apatnapu’t limang araw.

Dagdag pa ni Cabrera, bumaba ng animnaraang libo ang backlog sa mga plaka.

Speak Your Mind

*