Biggest loser, target sa “Oplan Balik Alindog at Bawas Taba” ng Urdaneta PNP

Biggest loser.

Ito ang target sa program ng Urdaneta City PNP na “Operation Balik Alindog” para sa mga kababaihan at “Operation Bawas Taba” sa mga kalalakihang miyembro ang pambansang kapulisan.

Ayon kay P/Insp Ria Tacderan, Police Information Officer ng Urdaneta PNP, maituturing itong “Best Practices” ng kanilang stasyon dahil sila ang kauna-unang nagpatupad ng ganitong program sa buong pangasinan PNP.

Sakali naman aniyang magtagumpay at magbunga nang magandang resulta ang naturang program ay maaari na itong gayahin ng ibang istasyon.

Sinabi pa ni Tacderan na sa loob ng isang buwan kanya-kanyang istratiheya ang kailangang gawin ng miyembro ng pulisya para sa target ng biggest loser.

Mahigit limampung katao naman ang nakiisa sa naturang program kung saan ang tatanghaling biggest loser ay mag-uuwi ang limang libong piso bilang gantimpala.

Speak Your Mind

*