Bike at Foot Patroller, itatalaga sa loob ng Mangaldan National High School

Tiniyak ng Philipine National Police o Mangaldan PNP ang kaligtasan ng mga estudyante sa pagsisimula ang klase ngayong araw sa Mangaldan National High School.

Nabatid na umaabot sa pitong libong estudyante ang papasok ngayong araw sa Mangaldan National High School ang pinaka-malaking paaralan sa buong rehiyong uno.

Ayon kay P/Supt. Benjamin Ariola, PNP Chief ng mangaldan na nagkaroon na sila ng koordinasyon sa paaralan kung saan dalawang police para sa bike patrolling at dalawang pulis para sa foot patroling ang itatalaga sa loob ng paaralan.

Mahigpit rin susundin ng PNP ang patakaran na ipinapatupad ng Mangaldan National High School na bawal nang lumabas sa school ang mga estudyante sa panahon ng kanilang klase at maging sa lunch break.

Speak Your Mind

*