Bilang ng lumabag sa gun ban, umabot sa halos limang libo

Umabot sa 4,661 ang bilang ng lumabag sa gun ban nitong Eleksyon 2016.

Mas mataas ito kumpara sa 3, 473 na naitalang paglabag sa gun ban noong 2013 elections.

Sa inilabas ding report ng Philippine National Police, lumalabas na 4,460 sibilyan ang naaresto dahil sa paglabag sa gun ban, 57 ang mula sa unipormadong hanay habang umabot naman sa 37 ang nahuling government official.

Nakakumpiska rin ang PNP ng 3,828 na baril, 42,020 na mga deadly weapons at 39,935 ammunitions.

Nagsimula ang pagpapairal ng gun ban kasabay ng pagsisimula ng campaign period noong Pebrero a-dyis at nagtapos naman kahapon, Hunyo a-otso.

Speak Your Mind

*