Bilang ng mga walang trabaho, tumaas nitong Abril

Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa ngayong Abril kumpara noong Enero.

Ayon sa Philippine Statistics Agency, tumaas sa six point one percent ang unemployment rate noong Abril kumpara sa five point eight percent noong Enero.

Katumbas ito ng two point six million katao na walang trabaho – mas mataas kumpara sa two point five million noong Enero.

Noong Abril ray nasa thirty nine point nine million lamang ang may trabaho sa bansa.

Bumaba naman ang bilang ng mga under-employed nitong Abril kumpara noong Enero.

Nasa seven point thirty five percent ang underemployed nitong Abril habang seven point eighty eight million naman noong Enero.

Speak Your Mind

*