Bing Loyzaga, tinanggihan ang pag-arte dahil sa kanyang timbang

Inamin ng aktres na si Bing Loyzaga na isa sa mga dahilan ng kanyang pagpahinga sa pag-arte ay ang pagiging overweight.

Ayon kay Bing, naging isyu din ang kanyang katawan kung kaya’t hindi siya nakasama sa isang teleserye.

Nilinaw ng aktres na isa sa mga dahilan ng pagdagdag ng kanyang timbang ay ang pagkakaroon ng hypothyrodism kung saan bumabagal ang metabolism ng tao.

Ginawa ni Bing na motivation ang rejection na natanggap upang ganahan magbawas ng timbang.

Sa dating timbang na 185 pounds, nasa 147 na lamang ang kanyang timbang makalipas ang limang buwan.

 

Speak Your Mind

*