BIR, bubusisiin din ang inihaing soce ng mga kumandidato

Humihingi na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kopya ng mga inihaing Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga kumandidato nitong eleksyon.

Aalamin umano ng BIR kung gaano kalaki ang mga natirang campaign funds ng mga kandidato para mabuwisan.

Ikukumpara rin umano ng BIR ang mga idineklarang SOCE kung nagtutugma sa mga gastos sa politcal ads na nasa record ng Comelec education and information division.

Una nang nagbanta ang Comelec na papatawan ng kaukulang parusa at maaaring hindi paupuin sa pwesto ang sinumang mapatunayang nag-over spending.

Maaari namang maharap sa perjury at tax related cases ang mapapatunayang nagsinungaling sa kanilang idineklarang SOCE.

Speak Your Mind

*