BIR, tumaas ang nakolektang buwis mula sa sin tax

Iniulat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na tumaas ang kanilang nakolektang buwis mula sa sin tax.

Ayon sa BIR, Abril pa lamang ay mayroong kabuuang 8.89 bilyong piso na ang kanilang nakolekta na mas mataas ng 1.09 percent kumpara noong nakaraang abril 2015 na may kabuuang 8.79 bilyong piso.

Sa pagtaas ng Sin Tax Collection, bumaba naman ang kanilang nakolektang excise tax sa sigarilyo noong buwan ng Abril.

Ito ay dahil sa pag-iimlementa na ng Graphic Health Warning Law.

Speak Your Mind

*