Birthday greetings ni KC kay Aly Borromeo, nagpakilig sa mga fans

Maraming kinilig na fans sa instagram post ng singer-aktres na si KC Concepcion na kasama ang rumored boyfriend na dating captain ng Azkals na si Aly Borromeo.

Idinaan kasi ng aktres sa sweet IG picture ang pagbati sa ika- tatlumpu’t tatlong kaarawan ni Aly.

Una nang namataan ang singer at ang Fil-American Football Enthusiast sa Araneta Coliseum noong nakaraang linggo para makita ang retired NBA Superstar na si Kobe Bryant.

Pumalo na sa 17,000 likes ang black and white photo ng dalawa na humakot ng positibong komento at pagsuporta ng mga tagahanga at nagmamahal sa kanila.

Speak Your Mind

*