BJMP Dagupan, aminado na matagal ng problema ang “overcrowding” sa kulungan

Aminado ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lungsod ng Dagupan na matagal nang problema ang “overcrowding” ng mga preso sa kulungan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay City Jail Warden Atty. Kenneth Bid-ing sinabi nito na umabot na sa mahigit 900 na priso ang nakakulong ngayon sa city jail malayo para sa ideal capacity nito na 100 priso.

Dahil dito, patuloy umano ang ginagawang paraan ng BJMP para makapagpatayo ng karagdagang jail facilities upang masulosyunan ang jail congestion.

Sinabi pa ni Bid-ing na inaasahan nilang matatapos na ngayong 3rd quarter ng taon ang ginagawang gusali na kayang paglagyan ng 300 priso.

Naniniwala naman ang pamunuan ng BJMP Dagupan sa posibilidad na lalo pang sisikip ang mga kulungan sa sandaling mag-umpisa na ang administrasyon ni President Elect Rodrigo Duterte dahil sa paglaban nito kontra iligal na droga.

Speak Your Mind

*