BMBE program ng DTI, malaking tulong para sa micro-business

Malaki ang maitutulong ang Barangay Micro-Business Enterprise (BMBE) Program ng dti pra sa mga micro-businesses sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa panayam ng sonshine radio kay Allan Canaveral, Business Counselor ng DTI Nueva Ecija, makakatulong ang naturang programa sa mga maliliit na negosyong nakalinya sa production, processing, agro, trading, at services.

Nilinaw naman ni Canaveral na hinde kasama sa kategoryang service business ang serbisyong inaalok ng mga propesyunal kagaya ng mga doctor at abogado kundi yaon lamang mga negosyong may kinalaman sa serbisyo publiko kagaya ng water refilling station, computer shop, at iba pang negosyong kauri nito.

Maaaring mag-avail ng BMBE Program ang isang negosyo  kung meron itong 1 hanggang 9 na empleyado at may asset na hinde lalagpas ng 3 milyon.

Speak Your Mind

*