Calamity Loan ng SSS, tinatawag nang Calamity Relief Pakages

Tinatawag nang Calamity Relief Pakage ang dating Calamity Loan Program ng Social Security System (SSS) para sa kanilang miembro.

Ito ang inihayag ni Maureen Inocencio, Senior Communications Analyst ng SSS sa Central Luzon, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi ni Inocencio na ang sistema ngayon ng SSS ay payagan nalang ang mga mimebro na mag-renew ng kanilang existing Personal Loan kahit na may tumamang kalamidad sa kanilang lugar.

Nilinaw naman ni Inocencio na kung wala pang loan, tatawagin itong Salary Loan at sa mga pensioneers naman ay tatawagin itong Advance Pension

Hindi naman aniya na maaaring makapag loan ang isang miembro kung ito ay hindi nakakapagbayad sa loob ng isang taon.

Speak Your Mind

*