Capacity Building on Disaster Preparedness and Response, isinasagawa ng PDRRMO

Nagsasagawa ngayon ng Capacity Building on Disaster Preparedness and Response ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa mga local government unit sa Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Avenix Arenas, Spokesperson ng PDRRMO sa ginanap na kapIsanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas o KBP Forum bilang bahagi sa paghahanda sa panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Arenas ang naturang program ay para bigyan ng technical assistance ang mga MDRRMO na kabilang sa hazard prone areas gaya ng bayan ng Sta. Barbara.

Maliban dito, nagsagawa narin umano ang PDRRMO ng site visitation sa mga grabeng sinalanta ng nagdaang mga kalamidad at ang district coordination work shop.

Samantala, kabilang naman ang mga bayan ng Sta. Barbara, Calasiao at lungsod ng Dagupan sa mahigpit ng monitoring ng PDRRMO kapag may baha, habang ang mga bayan ng Bugalon, Mangatarem, Aguilar, Bolinao, Bani at Agno kapag mayroong flash flood.

Speak Your Mind

*