Capacity Development Program, isinasagawa ng DILG

Nagbibigay ng libreng training ang Local Government Academy, isang sangay ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa mga local elected officials.

Ito ang inihayag ni Virgilio Sison, DILG Chief ng San Carlos City sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kaugnay sa ipinatutupad na Capacity Development Program ng kagawaran.

Sinabi pa ni Sison na lahat ng mga bagong local government officials ay dadaan sa kanilang “Newly Elected Orientation Program” para maihanda sila sa kanilang gagampanang tungkuling sa bayan.

Layunin rin program na paghusayin pa ang leadership skills ng mga lokal na opisyal gayundin ang pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad, provincial government at pribadong sektor.

Speak Your Mind

*