Cavaliers, umaasang makakapaglaro na si Kevin Love sa game four

Umaasa ang Cleveland Cavaliers na makakapaglaro na bukas para sa game four ng NBA Finals ang kanilang Star Power Forward/Center na si Kevin Love.

Bigo pa rin kasing makakuha ng Medical Clearance si Love matapos isailalim sa concussion protocol ng NBA.

Ayon naman kay Cavs Coach Tyronn Lue, iniaalay nila ang panalo kontra Golden State Warriors kay Love.

Tiniyak din daw nila ang panalo sa game three para himukin si Love na magpalusog nang makabalik agad sa paglalaro.

Speak Your Mind

*