CBCP, nababahala na sa tumataas na bilang mga napapatay

Nababahala ang Simbahang Katolika sa mga lumalabas na balita na patuloy na tumataas ang bilang ng mga napapatay bunsod ng kampanya laban sa iligal na droga.

Kaugnay nito, naglabas ng Pastoral Letter si Catholic Bishop Conference of the Philippines o CBCP President at Archbishop of Lingayen Bishop Socrates Villegas, para sa mga law enforcement agencies at sa pamahalaan.

Binibigyang pagpupugay ng CBCP ang mga law enforcers dahil sa pagsisikap na mapalaganap ang kampanya laban sa krimen at maaresto ang mga sangkot sa iligal na droga.

Sa kabila nito, naalarma pa rin ang simbahang katolika sa pagtaas ng bilang ng mga hinihinalang drug pushers na napapatay dahil sa umanoy paglaban sa mga umaarestong pulis.

Speak Your Mind

*