CDRRMC Urdaneta, pinaghahandaan na ang panahon ng tag-ulan at pagbaha

Pinaghahanda na ng City Disaster and Risk Reduction Management Council (CDRRMC) Urdaneta ang pagpasok ng panahon nang tag-ulan dala ng inaasahang La Niña Phenomenum.

Ayon kay CDRRRMC Officer Henry Kang, mahalagang ipamulat sa mga residente ang paghahanda at pag-iingat na dapat nilang gawin lalo na kung nararanasan sa lungsod ang malalakas na bagyo.

Sinabi pa ni Kang na nagkaroon narin siya ng koordinasyon sa mga Barangay Officials sa paglilinis ng basura sa mga ilog dahil ito ang kalimitang dahilan ng pagkakaroon ng mga pagbaha.

Sakali naman aniyang kakailanganin ng mga rescue equipment kung magkaroon ng mga pagbaha ay may nakahanda naman mula sa ibat-ibang departamento ng lungsod.

Speak Your Mind

*