Checkpoint, ipagpapatuloy parin ng PPO kahit tapos na Election ban

Tiniyak ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) na tuloy-tuloy parin nilang ipapatupad ang checkpoint kahit opisyal nang tapos ang Election Gun Ban o Election Period.

Ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Information Officer at Deputy Provincial Director for Operation ng PPO, malaki ang ibinaba nang crime insident gaya ng shooting insident sa lalawigan dahil sa mahigpit na checkpoint.

Sinabi pa ni Candelario na nais ng Provincial Director na magkaroon ng 24/7 na checkpoint sa bawat bayan sa lalawigan dahil sa nakitang malaking porsyento ng pagbaba ng krimen.

Nabatid noong nakaraang Comelec Gun Ban, naging maigting ang kampanya ng mga otoridad kontra loose firearm at wanted person, habang tatlo lamang ang naitala na election related violence na kinasasangkutan ng mga suporter ng kandidato.

Speak Your Mind

*